SANAYAN LANG ANG PAGPATAY ( Fr. Albert Alejo, SJ)

 VILLANUEVA , VINCENT P. BSCRIM-2C

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY ( Fr. Albert Alejo, SJ)

Gabay sa Pagsusuri

1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?

=>Ang personang nag sasalita sa tula ay isang mamamatay tao at Ang kanyang sinasabi ay patungkol sa pamamaraan ng pag-patay .

2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao?

=>Ang hayop na pinapaslang sa tula ay  butiki .Naitutulad ito sa pag paslang ng tao dahil walang pagkaka-iba  sa kanilang pamamaraan ng pag paslang kagaya sa ating mga tao maraming tao Ang katulad ng butiki dahil karamihan sa pinapatay ay walang laban kagaya ng butiki .

3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?

=>Para sa akin ang ibig sabihin ng huling taludtud na" Habang ako’y pumapatay, kayo nama’y nanonood" ay kahit alam na nating may pinapatay o di kaya'y Mali ay Wala parin tayong ginagawang solusyon At pinapahiwatig rin sa huling taludtod na kahit na Mali na ay ayos lang sa lahat dahil sa walang magawa Ang taong bayan at parang patama ito sa mga nasa mataas na posisyon.

4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?

=>Iniaalay ng may akda Ang tula sa ating lahat sapagkat Ang tulang ito ay nag bibigay ng mga impormasyon sa pamamaraan ng pag patay at Ang pinaka iniaalayan ng tulang ito ay Ang mga mamamatay tao dahil alam naman natin na sa pamagat palang ay patungkol na ito sa pag paslang o pag patay.


Mungkahing Gawain


1. Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik.

=>                      War on drugs

Answer:

Libo-libong tao ang napaslang sa Pilipinas nang inilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “giyera kontra droga” noong Hunyo 30, 2016, araw ng pagkakaluklok niya sa puwesto. Kabilang sa mga namatay ang dose-dosenang kabataan, 18-anyos pababa, na tinarget o aksidenteng nabaril habang may anti-drug raids. “Collateral damage” ang tawag ng mga awtoridad dito. Nasa 101 ang bilang ng napaslang na kabataan mula Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2018, ayon sa children’s rights at nongovernmental organizations (NGOs) na tinarget o nadamay. Marami pang bata ang napaslang sa mga ulat ng media noong 2019 at 2020.


Sa pangkalahatan, ang bilang hanggang Enero 31, 2020 ng Philippine National Police at ng Philippine Drug Enforcement Agency na napatay sa “drug war” ay nasa 5,601.

 Sa halos lahat ng kaso, giit ng pulisya, tulak o gumagamit ng droga ang napatay sa raid dahil ang mga suspek ay hindi nagpaaresto at nanlaban. Naniniwala ang Commission on Human Rights at lokal na human rights groups na libo-libo pa — tantiyang 27,000 — ang napatay ng pulisya, ahente ng pulisya, o di-kilalang assailant. Sabi nila Kabataan , ang pagasa ng bayan ngunit ,Bakit ganun ? Ang mga kabataan na sinasabing pagaasa ng bayan ay nasasangkot sa masasamang pangyayare sa ating bansa .Kabilaan ang ating nababalita na ang mga ilang kabataan ay pinatay dahil sangkot ito sa bentahan ng droga sinasabing nang laban ang mga ito sa mga pulis dahil nahulihan nila ito na may mga shabu.Kabataang pinatay dahil sangkot daw ito sa bentahan ng droga at nanlaban ang bata kaya pinatay ng mga pulis .Sa sitwasyon na ito aking masasabi na mali ang ginawa ng mga pulis sa mga kabataang sangkot sa bentahan ng droga ,Dahil unang una ,Di sila Diyos para kumitil ng buhay .Pangalawa ,Wala tayong karapatan na pumatay ng ating kapwa tao .Pangatlo , May korte tayo para mapatunayan nga na nagkasala ang mga nasabing sankot sa droga . at Pangapat, May kulungan tayo para sa mga taong napatunayan nga na nagkasala sa mata ng korte .Oo maganda ang ideya tungkol sa War on drugs dahil mawawala ang mga dik sa ating lipunan .Dahil droga ang syang puno’t dulo kung bat nasisira ang ating buhay dahil sa paggamit ng mga ito at dahil din sa palitan o Bentahan ng droga sa ating bansa ay nasisira din ang imahe ng ating bansa ngunit Hindi ito Ang dahilan para kumitil ng Buhay ng isang tao dahil alam naman nating lahat na kailangan ng mga taong nalolong sa droga ang pangalawang pag kakataon dahil lahat tayo ay nag kakamali at Hindi perpekto.

4. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba’t ibang isyu ukol sa karapatang pantao;

Ang karapatang pantao ay tumutukoy sa mga karapatang likas sa lahat ng tao, anoman ang nasyonalidad, lugar ng tirahan, kasarian, nasyonal o etnikong pinagmulan, kulay, relihiyon, wika, o anumang iba pang katayuan o estado.


Lahat ng Pilipino ay pantay-pantay na may karapatan o entitled sa mga karapatang pantao nang walang diskriminasyon.

Narito Ang isang isyu patungkol sa karapatang pantao.


"Kabagalan ng pagresolba ng mga kaso".


=>Laging ipinagdidiinan ng mga namumuno sa bansa na nais nilang malutas ang mga suliranin sa bansa. Sila umano ay pro-peace at tinatahak ang matuwid na daan. Subalit , ang kanilang mga kritiko ay naniniwalang mabagal ang mga namumuno sa paglutas ng mga kasong tungkol sa paglabag sa karapatang pantao. Karamihan sa mga kaso ay wala pang kalutasan at mayroon pang tinatamasang kalayaan ang mga nasasangkot.

Ang ilan sa mga kasong walang kalutasan at tila nakalimutan na sa pagdaan ng panahon ay ang Maguindanao massacre, mga kaso ng tortyur, ekstrahudisyal na pagpatay at pagkawala.

5. Mapahahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan.

=> Mahalaga Ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan dahil ito Ang sumasalamin sa ating mga ginagawa sa ating Buhay .dahil Ang Panitikang Panlipunan ay isang  pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na nakatuon sa kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na tina lakay ng mga akdang Filipino tulad ng kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman at mahirap, reporma sa lupa, globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa, karapatang pantao, isyung pangkasarian, sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o marhinalisado, at iba pa.


Comments

Popular posts from this blog

ISKWATER ni Luis G. Asuncion

BABAE KA (ANI MONTANO)