Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez

VILLANUEVA, VINCENT P.
BSCRIM-2C

ISANG DIPANG LANGIT 
ni Amado V. Hernandez

1).
*Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri?

 =>Ang tula ay isang uri ng tulang salaysay dahil inilalarawan Niya kung Anu Ang karanasan Niya sa kanyang Buhay at Ang teoryang pampanitikan na angkop na dapat gamitin sa pag susuri ay Ang Bayograpikal
Dahil Ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng 
mga akdang pampanitikan, siya ang 
nagsusulat o sumusulat ng mga akdang 
pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito
ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa
kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng
ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na
buhay ng may-akda upang masmapaganda pa
nito ang paghubog sa kanyang sinulat na
akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may
akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang
pananaw patungkol sa mga bagay na nais
niyang ihatid sa mga mambabasa.

*Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula.

=> Pinagdadaanan ng mga bilanggo sa Araw- Araw .
=>Matutong ipaglaban Ang iyong karapatan.



*Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili.
 
Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

=>Ito Ang aking napili dahil sa katagang Hindi habang Araw Ang api ay api, Sapagkat tayong lahat ay may karapatang ipaglaban Ang ating karapatan bilang tao , at Tama na Hindi natutulog Ang diyos at nkaikita Niya kung Anu Ang may tamang gawa at kung sinu Ang may Sala.



2). Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita.

Si Amado Vera Hernández (13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.



3). Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez.

Nag-umpisa ang tula sa salaysay ng isang lalaki na siya raw ay ikunulong nang walang sala. Nakulong siya dahil daw sa gusto ng kaniyang mga nakabangga at dahil wala siyang kapangyarihan.
Labis na pighati ang nararamdaman ng nagsasalaysay. Hindi niya raw kasi mapaglilingkuran ang bayan.
Ang kalupitan na nararamdaman niya ay hindi lang sa kaniya kung hindi pati na rin sa iba na itinuturing daw na parang hayop.
Ang bawat oras niya raw sa loob ng bilangguan ay napakatagal at patuloy ang kaniyang pagluluksa. Para na rin daw kabaong ang bilangguang iyon.
Pinarurusahan din daw sila. Ibibilad sa araw at ibabalik sa dilim kapag gabi na. Maaari naman daw tumakas ngunit walang pahuhuli dahil kamatayan ang nakasunod.
Tanggap na nang nagsasalaysay na siya ay hindi na makalalabas sa kinlalagyan niyang impyerno ngayon. Pero kung minsan ay naiisip niyang walang susuko hangga’t siya ay nabubuhay.
Batid ng nagsasalita na ang Diyos naman ay nariyan lamang. Bagaman at hindi natin ito nakikita, alam niyang narito lamang sa tabi ng mga inaapi ang biyaya Niya.
Hindi raw laging api ang mga inaapi. Darating din ang araw na ang bayan ay maghihiganti sa mga mapang-api. Bandang huli, sinabi ng nagsasalita na di na siya luluha bagkus ay hihintayin na lamang ang pagtatagumpay ng bayan.

Comments

Popular posts from this blog

ISKWATER ni Luis G. Asuncion

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY ( Fr. Albert Alejo, SJ)

BABAE KA (ANI MONTANO)