BABAE KA (ANI MONTANO)

VILLANUEVA ,VINCENT P. BSCRIM-2C

 BABAE KA (ANI MONTANO)

PAGTATAYA:

1. Paano inilarawan ang babae sa awit?

=>Para sa akin ang babae sa awit ay inilarawan sa pamamagitan ng isang bilanggo dahil sinabi sa awit na "ikaw nama’y walang laya. Ang daigdig mo’y lagi nang nasa tahanan Ganda lang ang pakinabang, sa buhay walang alam" at inilarawan din Ang babae na parang walang kakayahan Dahil sa akala na mahina, kaya Ang halaga ng babae ay ‘di nakikita.

2. Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay walang alam? Ipaliwanag.

=>Para sakin hindi ako sang-ayon, dahil ang mga kababaihan mula sa nagdaang panahon ay hindi nabibigyang halaga sa lipunang ginagalawan sapagkat ang kanilang kakayahan ay nalilimitahan lamang sa paggawa sa mga pambahay na gawain at pagsisilbi sa kanilang may bahay. Hindi ako sang-ayon dahil Ang kababaihan  ay sila ang nagsisilbing sandigan at lakas ng mga kalalakihan na nakatutulong upang higit na magampanan ang kani-kanyang tungkulin sa bayan. Mahalaga ang gampanin ng mga babae sa buhay at hindi biro ang mga ginagawa nila sa araw araw na pamumuhay. Naniniwala rin ako sa kasabihang kung kaya ng lalaki ay kaya rin ng babae. Sa lakas ay lamang ang mga lalaki ngunit pagdating sa diskarte ang mga babae ay hindi papahuli. 

3. Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan.

=>Para sakin Ang mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan ay , Una kaya nilang makipag sabayan sa mga kalalakihan maging sa kahit anung larangan kagaya nalang sa pulitika, sa pakikidigma at marami pang iba.  Pangalawang patunay ay dati ang mga babae ay walang posisyon pagdating sa pamumuno dito sa pilipinas.  Si Corazon Aquino, ang kauna unahang babaeng naging pangulo ng pilipinas at isa ito sa mga halimbawa na ang mga babae ay may kakayahang makipagsabayan at maipaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga babae. Isa rin sa aking patunay ay ang kondisyon ng mga babae ngayon sa kasalukuyan ito ang pakikipagsabayan na rin ng mga babae pagdating sa paghahanap buhay at sa pagtataguyodna ng kanilang pamilya.

4. Ano-ano ang payo ng may-akda ng awit sa mga babae?




=>Ang mga Ipinapayo ng may-akda ay dapat ang mga babae ay marunong makipagsabayan at ipaglaban ang kanilang mga karapatan at ang kalayaan. Hindi dapat maging hadlang ang pinto ng pag unlad na laging nakasara dapat ito ay harapin, buksan at matutong ibangon ang pagkatao. Kaya't kailangang lumaban para sa kalayaan.

5. Ayon sa awit, bakit hindi nakikita ang halaga ng mga babae? Umiiral pa rin ba sa kasalukuyan ang gayong akala? 

=>Hindi nakikita ang halaga ng babae dahil ang mga kababaihan mula sa nagdaang panahon ay hindi nabibigyang halaga sa lipunang ginagalawan sapagkat ang kanilang kakayahan ay nalilimitahan lamang sa paggawa sa mga pambahay na gawain at pagsisilbi sa kanilang may bahay. Para sakin hindi na umiiral Ang ganitong akala dahil bibihira nalang ang mga ganitong paniniwala sa kasalukuyan. dahil sa panahon ngayon, ang mga babae ay mas may kalayaan at kakayahan ng lumaban. Hindi na maituturing na mahinaang tingin sa mga babae dahil sa sila ay marunong na ring makipagsabayan sa realidad namayroon ang lipunan.

Mungkahing Gawain

1. Sa loob ng kasunod na kahon, gawan ng concept map ang salitang babae.

Comments

Popular posts from this blog

ISKWATER ni Luis G. Asuncion

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY ( Fr. Albert Alejo, SJ)