Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales

VILLANUEVA ,VINCENT P. BSCRIM-2C

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales


 1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?

=>Ang pagiging bakla ay habambuhay na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo dahil nga sa katayuan at kalagayan nila ay Hindi maiiwasan Ang pangungutya, pang mamaliit at pan didiri ng mga taong nakapalibot sa kanila na para bang Wala Silang karapatan na mabuhay ng may dignidad .Ganon Ang sinabi ng may akda sa pamagat dahil Ang mga bakla ay may mabigat na pinapasan kanilang na Dito Ang pang iinsulto at panglalait sa kanila at Sabi nga sa tula na papasanin mo ang krus sa iyong balikat  habang naglalakad sa kung saan-saaang lansangan.‘Di lagging sementado o aspaltado ang daan,madalas ay mabato, maputik o masukal. Mapalad kung walang magpupukol ng bato o mangangahas na bumulalas ng pangungutya .dahil karamihan Ngayon sa mga tao ay walang respeto sa mga bakla at Sila ay kinasusuklaman ng iba.

2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila? 

=>Ang sinasabi sa tula na may iba't-ibang mukha ay ang mga taong nakapalibot sa mga bakla. Sila ay Ang mga bata, matanda lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala, Ang ginagawa nila ay Hindi Sila sumasang ayon sa isang bakla at Sila Ang pinapasan ng bakla dahil sa kanilang mga masasakit na salita ,pangungutya at panlalait. dahil Hindi maitatangi na mabigat Ang pasanin ng mga bakla sa ating lipunan dahil Minsan kahit kapamilya na nila ay hindi pa sila suportado nito.

3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwala.

=>Ang sinasabi sa tulang likong kultura't tradisyon at bulok na paniniwala ay Ang hindi pantay na karapatan ng mga bakla dahil sinasabi sa tula na ang pagiging bakla ay isang kasalanan na nararapat na pagdusahan sa krus ng kalbaryo kahit pa ikaw’y magpumilit na magpakamarangal .sinasabing bulok na paniniwala dahil Hindi naman kasalanan Ang maging isang bakla dahil sa tao lang din Sila na nagkakamali ,at yun Ang tinitibok ng kanilang puso at Hindi natin ito mababago ,likong kultura't tradisyon dahil sa ating nakasanayan na sa mga bakla dahil karamihan sa ating Pilipino ay hinuhusgahan agad ang mga bakla. at Hindi natin naiisip Ang kanilang mga nararamdaman Kung Sila ba ay ayos lang sa ating pinag-sasabi kaya't Mahalaga sa kanila ang respetuhin Ang kanilang pag- katao at iwasan Ang pangungutya sa kanila dahil tao din Sila na marunong masaktan.

Comments

Popular posts from this blog

ISKWATER ni Luis G. Asuncion

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY ( Fr. Albert Alejo, SJ)

BABAE KA (ANI MONTANO)