ISKWATER ni Luis G. Asuncion

VILLANUEVA, VINCENT P. BSCRIM-2C 

SOSYEDAD AT LITERATURA

ISKWATER (ni Luis G. Asuncion) 

Pagsusuri: 


1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay? 

=>Ang sentral na paksa ng sanaysay ay umiikot sa kahirapan ng mga tao na naninirahan sa iskwater.


2. Mayroon bang mga paksa na di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa. 

=>Mayroon, at yun ay ang kung ano ang dahilan kung bakit naninirahan ang mga mayayaman o sa iskwater sa isang lugar kung saan ang mga mahihirap lang ang naninirahan, naging malaking tanong yun na hindi rin tuwirang nasagot ng may akda.


3. Ano ang layunin ng may-akda sa pagtalakay ng paksa? Ipaliwanag.

=>Ang layunin ng may akda ay ang ipaalam sa lahat kung ano ang sitwasyon at Buhay ng mga tao sa Lugar ng mga iskwater.

4. Ano-anong mga ideya ang sinang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo sinang-ayunan? Bakit? 

=>Ang sinang-ayunan kung ideya sa sanaysay ay ang ideyang ipaglaban Ang kanilang Lugar na walang dumadanak na dugo.

 =>Ang hindi ko naman sinasang-ayunan ay ang pagtira ng mga mayayaman sa mapayapang munting tahanan ng mga mahihirap sa iskwater, dahil alam naman natin na mayroon Silang kapangyarihan para humanap ng lugar na mas maayos na mapag tatayuan ng kanilang mga Bahay.

5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag. 

=>Nakakaugnay ako sa kaisipang nakalahad sa teksto sa pamamagitan ng pamamaraan ng kanilang pamumuhay bilang isang mahirap na tao. Dahil tulad ko isa rin akung mahirap at walang sariling lupa na pag patayuan ng sariling Bahay At tulad nila may mga ninanais din akung malabong mangyare sa Buhay ko ngunit  ipinagpapatuloy ko paring makamit ito kahit na napaka imposibleng mangyare dahil alam kung may pag-asa ang sinumang nananalig sa panginoong ama..


6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag. 

 =>Mahalaga Ang pag talakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater dahil ipinapakita at pinapa- alam sa lahat kung anu'ng Buhay mayroon Ang mga naninirahan sa iskwater na lugar. Dahil Marami kasing mga tao ang hindi naiintindihan kung ano nga ba ang meron sa iskwater, yung iba akala nila sa iskwater nandoon lahat ng kriminal, madumi, mahihirap at iba pa.Pero dahil sa pagtalakay sa sanaysay na ito nabuksan ang aking isipan kung ano ba talaga ang meron sa iskwater.  Sa pamamagitan ng pagtalakay sa sanaysay na ito Hindi parin nabago Ang pananaw ko sa kahulugan ng iskwater dahil nag papatubay lang na Tama ang aking pananaw  ko simula pa noong una na karamihan sa iskwater area ay mahihirap,walang trabaho at umaasa sa gobyerno para mabuhay. Ang hindi ko lang maisip ay kung bakit may mga mayayamang nakatira sa Lugar ng iskwater.

7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag. 

=> Ang teksto ay maiuugnay sa realidad ng lipunan sa kasaluyan dahil maraming Pilipino ang nakakaranas ng pamumuhay na tulad sa sanaysay at hindi maikakaila na sa bansang Pilipinas o sa ating bansa ay madaming mga tao Ang nahihirapan sa pang Araw- Araw na pamumuhay tulad ng nasa sanaysay. dahil karamihan sa ating Pilipino ay walang sariling lupa at mapag-papatayuan ng sariling bahay.

Comments

Popular posts from this blog

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY ( Fr. Albert Alejo, SJ)

BABAE KA (ANI MONTANO)